Mag-utol na tumaga sa katsukaran sa kainuman, tiklo

crime7

NAKUWELYUHAN ng pulisya ang isang magkapatid na halinhinang tumaga sa kanilang katsokaran sa kainuman sa Cagayan.

Sinabi ni Benguet police director Senior Supt. Benjamin Lusad na hindi na nakapalag pa ang mga suspect na sina Manuel Mendoza Cadiz, 27 at ang kapatid nitong si Gilbert, 23, kapwa tubong Lallo town, nang palibutan ng kanyang mga tauhan sa pinagtataguan nitong bahay sa Sitio Asinan nitong nakaraang Huwebes ng gabi.

Ayon kay Lusad, bago ang pagkakahuli ay kainuman ng magkapatid ang biktimang si Wilfredo Villaruz, 60-anyos ng Dontogan, Baguio City sa bahay ng isang Elpidio Quinomis.

Pero sa gitna ng kasiyahan at sa hindi pa malamang dahilan ay biglang nagtalo ang magkapatid at ang biktima na humantong sa suntukan.

Pero dahil hindi napataob kahit may edad na, dinampot ng  magkapatid ang kanilang itak at pinagtataga ang biktima bago tumakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply