Magbayad ng buwis ng maaga – Mayor Lim

NANAWAGAN si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga taxpayer ng siyudad ng Maynila na magbayad ng maaga ng kanilang buwis para maka diskuwento at maiwasan ang mahabang pila sa itinaKdang deadline nang pagbabayad ng buwis.

Nabatid na inatasan ng alkalde si Officer-In-Charge, City Treasurer’s Office, Marissa De Guzman na tanggapin na ang bayad ng mga taxpayer na gustOng magbayad ng maaga ng kanilang business at real property tax sa pamamagitan ng pagbukas sa taxpayer’s center kahit weekends.

Nabatid na ang deadline sa pagbabayad ng business taxes, business permits at iba pang regulatory fees ay sa Enero 20 at may 10% discount ang magbabayad sa oras at magbabayad ng buo.

Binibigyan naman ng 20% discount ang real property taxpayers na magbabayad ng buo bago mag Enero 31.

Ang pagbabayad ng real property tax sa unang quarter ng walang penalty ay hanggang Marso 31.

Ang second quarter, ay bago mag-Hunyo 30; third quarter, bago mag-Setyembre 30 at sa 4 th quarter bago mag Disyembre 31.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply