Magkaibigang senglot nagsaksakan sa Aklan

DAHIL sa labis na kalasingan, hindi na nakilala ng magkaibigan ang isa’t isa nang magsaksakan makaraang mapikon sa takbo ng kanilang usapan habang tumatagay sa Aklan.

Kapwa sugatan at ginagamot sa Aklan Provincial Hospital sina Alejandri Punzalan, 33, at Ferdinand Retio, 45, ng Brgy. Linabuan Sur, Banga, Aklan dahil sa mga tama ng saksak sa katawan.

Sa imbestigasyon ng Banga Police Station, nagtungo ang magkaibigan sa sayawan sa kanilang lugar at nag-inuman ngunit nang malasing ay nagpasikatan na hanggang magkapikunan at mauwi sa saksakan.

Saksak sa tiyan ang inabot ni Punzalan na nakaganti naman sa kaibigan na may saksak din sa braso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply