Magkapatid kritikal sa pamamaril

KRITIKAL ang lagay ng isang magkapatid matapos itong pagbabarilin ng kalugar ng magkaroon ng pagtatalo sa inuman sa Bgy. Tangos, Navotas City.

Kapwa inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial hospital sina Joselito Mangali y Aquino, 49, binata, laborer, at si Rachell Mangali, 35, pawang taga 75 Oliveros St., Tangos ng lungsod sanhi ng mga tinamo ng tama ng kalibre 22 sa katawan at ulo.

Mabilis namang tumakas ang suspek na nakilalang si Jonathan Lacaba y Lawbet, ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas 6:15 ng gabi ng maganap ng insidente sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Nabatid, nag-iinuman sina Joselito at si Jonathan at habang kapwa nakainom na nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa biglang umalis ang suspek.

Ilang saglit bumalik ito at lingid sa kalaman ng biktima may dala na itong baril kaya dito na namagitan ang kapatid na babae ng biktima na si Rachell pero pareho na sila pinaputakan.

Si Joselito ay nagtamo ng tama ng baril sa kanang bahagi ng ulo habang si Rachell naman ay tinamaan naman sa kanang bahagi ng baywang.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, narekober ng mga awtoridad ang ginamit na baril ng suspek sa kanilang bahay na may live ammos na iniwan ng suspek bago tumakas.

Inaalam ng mga pulis ang tunay na motibo sa insidente habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply