Magkapatid na bebot, kulong sa pang-aagaw ng cellphone

behind-bars-2

KULONG ang magkapatid na babae matapos hablutin ang cellphone ng lalaki habang naglalakad sa Malabon City kaninang madaling araw, Disyembre 4.

Nakilala ang magkapatid na sina Gladys, 38 at Marianne Cruz, 35, kapwa ng Phase 3, Longos ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2 ng madaling araw, naglalakad ang biktimang si Edmon Santua, 40, habang hawak ang cellphone sa C-4 road, Longos ng lungsod nang sumulpot sa magkahiwalay na direksiyon ang mga suspek at pagtulungan agawin ang cellphone ng biktima.

Nang makuha ay tumakas sa magkaibang direksiyon ang magkapatid habang nakahingi ng tulong sa mga pulis ang biktima.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip ang mga suspek at nabawi ang cellphone ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply