Magkumare sinumpak, hinoldap

emergency

SINUMPAK muna bago kinuha ang pera ng magkumareng magkaangkas sa motorsiklo ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital si Hazel Baguio, 32 ng J.P. Ramos St., Talipapa, Novaliches, Quezon City, sanhi ng mga tama ng shrapnel sa katawan.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling araw, si Baguio ay nakaangkas sa motorsiklo ng kumareng si Lalaine Sosa, 38 ng Arellano St., Bagong Barrio at pagsapit sa B. Serrano St., ng lungsod ay sinumpak ng isa sa mga suspek sakay ng tricycle na hindi na nakuha ang plaka.

Tinamaan si Baguio na naging dahilan upang ihinto ni Sosa ang sasakyan hanggang sa mabilis na nagsilapit ang mga suspek at kinuha ang P21,300 perang dala ng magkumare.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek patungong Balintawak, Quezon City habang dinala ni Sosa si Baguio sa MCU.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply