Magnanakaw nahuli sa sigaw ng biniktima

behind-bars-3

KULONG ang isang lalaki matapos magising at magsisigaw ang ninakawan sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Robin Dela Cruz, 24 ng Kaljehon St. Bagong Barrio ng lungsod.

Sa pahayag ng biktima na si Ricky Romeroso, 42 ng Abocado St., Bagong Barrio, dakong alas-2:30 ng madaling araw, nagising siya nang makarinig ng mga kaluskos sa loob ng kanilang bahay.

Pagdilat ng biktima ay nakita na bitbit na ng suspek ang kanyang laptop.

Nang makitang gising na ang biktima ay mabilis na tumakbo ang suspek papalabas ng bahay upang tumakas.

Agad na sinundan ng biktimang nagsisigaw ang suspek. Narinig naman ng mga barangay tanod ang paghingi ng saklolo ng biktima kaya nakihabol ang mga ito. Nang maabutan, ay nadakip ang suspek at nabawi ang laptop ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply