Magpositibo sa drug test, sisibakin sa PDEA -Cacdac

PDEA

SISIBAKIN at sasampahan ng kasong administratibo ang mapatutunayang nagpositibo sa isinagawang drug testing sa 513 personnel ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang surpresang drug testing ay isinagawa at pinangunahan ni PDEA Director General Arturo Cacdac, Jr. na boluntaryong nagsumite ng kanyang urine samples.

Ang drug test sa mga personnel at opisyal ay isinagawa sa mga opisyal, administrative, technical personnel at drug enforcement officers matapos ang ginawang flage-raising ceremony kahapon.

Ayon kay Cacdac ang resulta ng drug test ay pamamahalaan ng PDEA Laboratory Service at ilalabas makalipas ang isang linggong pagsusuri.

Kaugnay nito, boluntaryong nagsmite na urine sample si Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, na naging panauhing pandangal sa ginanap na drug testing.

“This is just part of the standard procedure. We want to show that we have the moral ascendancy to lead as prime implementers of the anti-drug law and that we are drug-free,” ayon kay Cacdac.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply