Magsasaka timbog sa P.6 milyon shabu

SWAK sa kulungan ang isang magsasaka makaraang madakip sa aktong nagbebenta ng shabu ng operatiba  ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa General Santos City noong December 26, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Randy Kabalo, 43, ng Barangay Dimatulan, Midsayap, Cotabato.

Si Kabalo ay nadakip matapos bentahan ng droga ang isang poseur buyer ng PDEA sa harap ng Toyota, National Highway, Barangay City Heights, General Santos City.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Sec. 5 ng RA 9165 ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply