Maguindanao prov’l engineer patay sa pamamaril

bangkay

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Patay matapos barilin ng mga hindi nakikilalang suspek ang provincial engineer ng Maguindanao sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Kinilala ni PSSUPT.Rolen Dela Crz Balquin, PESE ang provincial director ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, ang biktimang si Engr. Umap Abpet, 44-anyos, at residente ng Purok Katipunan, Poblacion sa bayan ng Esperanza.

Ayon sa nakasaksi, patungo umano ang biktima sa kanyang trabaho sa provincial engineerning office sa Buluan, Maguindanao nang dumaan ito sa gilid ng highway upang bumili ng lechon manok.

Dagdag pa ni Balquin, sakay ang biktima ng kanyang itim na motorsiklo nang lapitan ng dalawang naka-motor na suspek at agad na binaril.

May tama ang biktima ng limang bala sa likod at ulo na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Pinaniniwalaang personal ang motibo ng nasabing krimen habang nagpapapatuloy pa rin ang imbestigasyon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply