Magunaw man ang mundo, Pinas pasok sa 10 pinakamasayahing bansa sa buong mundo

KAHIT ipinahayag na “magugunaw na ang mundo”, ang Pilipinas ang naitala sa listahan ng sampung pinakamasayahing bansa sa buong mundo.

Sa isinagawang survey ng Gallup Inc., sa mahigit 1, 000 tao mula sa 148 na bansa lumalabas na karamihan sa mga taong positibo ang pananaw sa buhay ay mula sa mga bansa sa Latin America.

Nangunguna sa listahan ang mga bansang Panama at Paraguay na sinundan naman ng El Salvador, Venezuela, Trinidad, Tobago, Thailand, Guatemala, Pilipinas, Ecuador at Costa Rica.

Nabatid sa survey na ang mga nakatira sa mga mauunlad na bansa gaya ng Singapore, Germany at France ay hindi gaanong nagiging masaya at ang mga nakatira sa mga mahihirap na bansa ang mas positibo ang mga pananaw sa buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply