Mahigit 6,000 kalsada ‘di pa rin naaayos

dpwh-photo-fenny-pineda

HINDI pa rin naaayos o kinakailangan nang kumpunihin o isailalim sa rehabilitasyon ang mahigit na 6,000 kalsada (19.4 percent ng national roads) sa bansa.

Ito ay base sa ginawang road condition survey ng Department of Public Works and Higways (DPWH).

Kaugnay nito, sinabi ni Public Works Secretary Rogelio Singson na ang road repairs at rehabilatation ay kabilang sa top priority ng kagawaran sa 2013.

Binanggit ng kalihim na kailangan nila ang ayuda ng Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa de-kalidad na rehabilitasyon sa mga nagibang lansangan sa mga pilot area sa Central Visayas, Southern Mindanao at Cordillera Administrative Region.

Muling iginiit ng kalihim na hindi na nila palalahukin sa bidding ang mga contractor na depektibo ang ginawang proyekto sa DPWH.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply