Maitim at maruming tubig matatanaw sa himpapawid

hilda-online-logo

PATULOY ang tao sa walang pakialam na pagtatapon ng basura kung saan–saan, hindi nila alintana kung mapuno man ang ilog, estero, kanal at kalupaan ng basura na tumutuloy ang kabuuan sa Manila Bay.

Dahil din sa tambak na basurang nakalutang sa Manila Bay biglaang nagkakaroon ng malaking suliranin kapag ang nakalutang na basura ay nagbabara sa mga estero at kanal sapagkat ang kasunod na mangyayari ay pagbaha sa kalakhang Maynila. Maraming tao ang napeperwisyo dahil dito.

Dati ang masaganang panghuhuli ng isda ang nakikitang ginagawa ng iba. Nakatutuwang pagmasdan ang huling mga isda. Nagiging pagkain sa hapag-kainan para sa mahihirap.

Subalit ngayon magdadalawang-isip ka pa kung kakainin mo pa ang mga huling isda sa Manila Bay sa kadahilanang kitang-kita mo ang kontaminasyon ng iba’t ibang uri ng dumi rito.

Kapag ikaw naman ay nasa himpapawid at nakasakay sa eroplano noong panahon na hindi pa marumi ang Manila Bay mapagmamasdan mo ang asul na kabuuan ng karagatan, malinaw na malinaw at animoy tumatagos sa ilalim ang iyong paningin upang makita mo ang mga lamang dagat na lubhang magpapasaya sa iyo. Subalit ngayon malungkot mang sabihin mula sa himpapawid kapag napagmasdan mo ang Manila Bay madilim ang tubig na makikita mo na sumisimbulo sa karumihan nito.

Ang Kalihim ng DENR Ramon JP Paje ay nangunguna sa pagpapatupad ng mga batas na magpapanumbalik sa dating masiglang Manila Bay.  Ang Manila Bay Coordinating Office (MBCO) ahensya ng gobyerno na nagsisikap na buhayin, ibalik sa dati ang maganda at panturistang lugar na makasaysayan para sa ating mga Filipino sa pamamagitan ng kanilang mabisang alternatibong paraan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply