Makati police bawal pumasok sa malls ngayong Kapaskuhan

NAGPALABAS ng direktiba ang hepe ng Makati City police kaugnay sa pagbabawal sa lahat ng mga naka-duty at unipormadong pulis na pumasok sa malls sa panahon ng Kapaskuhan.

Ang derektiba ay ipinalabas ni Makati Police Chief Sr. Supt Manuel Lukban dahil nauuwi lamang sa pamamasyal sa loob ng mall ang mga alagad ng batas.

“Based on our experience, policemen who are supposed to go on patrols inside the malls end up just malling and could not be found immediately when they are really needed,” pahayag ni Lukban.

Samantala, hindi na rin pinahihintulutan ni Lukban ang mga pulis na magsuot ng Santa Claus costumes habang nagpapatrulya sa commercial and business areas.

Ayon kay Lucban ngayon Kapaskuhan, ang isang team kabilang ang dalawang pulis at miyembro ng Makati Public Safety Department ay ide-deploy sa buong kapaligan ng commercial district at Metro Rail Transit station mula ala 1:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi.

“Makati has so many units involved with the maintenance of peace and order. We have defined the function of each and we have organized them to include the security personnel of subdivisions, malls, offices and the barangays,” ayon kay Lukban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply