Makuryente tayo

raul_valino

ANG sabi nila, magmumura ang koryenteng tinda ng Meralco dahil mura na ang dollar.

Hindi pala.

Ang sabi nila, dahil may palengke na ng kuryente sa Pinas, ang Wesm, magmumura na ang presyo ng kuryente. Hindi pala.

Ang sabi nila, privatize Napocor para magmura ang kuryente at mawawalan na ito ng utang.  Hindi pala.

Ang sabi pa nila, kapag may Psalm na, cheap na ang kuryente. Hindi pala.

Ang sabi nila, dahil sa oil discovery sa Palawan, magmumura na ang kuryente at enerhiya.

Hindi pala.

Ang sabi nila, pag na-deregulate ang presyo ng gasoline, magmumura na ang gasoline.

Hindi pala.

Ang sabi nila, pag dumami ang foreign banks sa Pinas, madali nang mangutang at bababa rin ang interest rates sa pautang. Hindi pala.

Kapag na-privatize ang MWSS o Nawasa at nasa pangangasiwa na ng Maynilad at Manila Water Corp., mumura na at lilinis ang tubig sa gripo.  Hindi pala.

Ang sabi nila, kapag may value added tax, lalaki ang collection ng BIR. Hindi pala.

Ang sabi nila, pag na-expand ang value added tax, lalong lalaki ang kita ng gobyerno at giginhawa ang bayan.  Hindi pala.

Ang sabi pa nila, mababawasan na ang graft and  corruption.  Hindi pala.

Ang sabi nila, pag may bagong PNP chief, kakaunti na ang mga criminal at mangongotong.  Hindi pala.

Ang sabi nila, pag ang mga fiscal ay binago ang pangalan at tinawag na prosecutor, gaganda na ang hustisya sa bayan natin.  Hindi pala.

Ang sabi nila, dahil maganda na raw ang ekonomiya, darami na ang may trabaho.  Hindi pala.

Mga kababayan, huwag kayong maniwala sa sabi-sabi. Baka makuryente lang kayo. At mapapamura kayo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply