Malakanyang kay Gwen: “Sundin ang batas”

gwendolyn-garcia

PINAYUHAN ng Malakanyang si Cebu Governor Gwendolyn Garcia na tanggapin ang 120 days preventive suspension na ipinalabas laban sa kanya ng Office of the Ombudsman na idinaan sa pamamagitan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang kaso ni Garcia ay kaugnay sa kasong usurpation at grave abuse of authority na isinampa ni dating Vice Governor Gregorio ”Greg” Sanchez.

Nag-ugat ang nasabing kaso nito (Garcia) makaraang ipitin ang pondo ng Office of the Vice Governor ng lalawigan.

Ang katwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay may  legal process na dapat sundin ang bawat opisyal na nasasangkot sa usapin.

“That is to be followed. All lawyers know that Governor Gwen Garcia has available legal remedies of which, I think, she has already said that she is planning to avail. In the meantime, alam po natin na ‘yung pinag-uusapan natin dito the possible legal remedy is the restraining order from the higher court but, until such time that is handed down, then we appeal that the decision be respected, and the suspension be followed,” aniya pa rin.

Nauna nang nagpalabas  ng executive order  si Gov. Garcia sa kanyang departamento  na huwag sumunod kay  Vice-Governor Agnes  Magpale bilang acting Cebu Governor.

No comment naman ang Malakanyang sa sutsot na si Vice Governor  Magpale ay kapatid ng Secretary to the Cabinet.

“Whatever she says as possible political or an alleged political undertone will be of no moment because what the courts will decide on is the basis. The basis will be the document itself. I think, you all have had access to the main body of the decision that was written by the Office of the President, and that is being executed by the DILG. And ‘yon na lang po ‘yung pag-usapan natin, kung ano po ‘yung basis, ano po ‘yung ebidensiyang sinubmit (submit). First of all let’s remember that this complaint was filed by the former Vice Governor and not the current Vice Governor,” aniya pa rin.

Ayaw pa ring magkomento ng Malakanyang sa posibilidad na puwersahin ng kinauukulan ang pagpapatalsik kay Gov. Garcia sa kapitolyo kapag nagmatigas pa itong manatili doon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply