Malakanyang: Maghanda sa bagyong Pablo

abigail-valte

UMAPELA ang Malakanyang local government units (LGUs) na tutukan ang mga babala ng PAGASA at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay sa pagpasok ng bagyong Pablo sa Philippine area of responsibility.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, walang mas magandang preparasyon ang publiko kundi ang maagap na paghahanda pagdating ng mga kalamidad gaya ng bagyo.

Sinabi pa ni Valte na ang bagyong Pablo ay inaasahang kasing lakas ng bagyong Sendong.

“At sana po maging maganda po ‘yung koordinasyon sa (pagitan) ng national government at ng local government dahil iisa lang naman po ‘yung ating gusto: na wala pong madamay o wala pong masawi kapag nagkakaroon po ng ganitong kalamidad,” anito.

Napag-alaman na tatama sa kalupaan ng Pilipinas sa susunod na linggo ang bagyo na may international name na Bopha at maaaring tutumbukin nito ang Northern Mindanao, Central at western Visayas.

“The moment na pumasok po ‘yan sa Philippine area of responsibility, nagiging mas madalas na po ang updates ng PAGASA. At, pangalawa, ibibigay na po dapat ng PAGASA ‘yung projected tracks doon sa atin pong mga ahensya namely sa NDRRMC at diyan po sa mga member agencies ng NDRRMC katulad po ng DPWH, DSWD, DILG, at DOH.” wika ni Valte.

Tiniyak naman ni Valte na handang-handa ang DSWD para magbigay ng relief goods sa pwedeng tamaan ng malakas na bagyong Pablo.

“Apart from the standby funds (at) ‘yung mga stockpile natin ng mga relief goods, ‘yung mga field offices ng DSWD are always on alert on what is necessary to assist the LGUs that may be affected (by) the incoming tropical storm. Tropical storm ba siya or typhoon?,” ani Usec. Valte.

Samantala, pinanghawakan naman ng Malakanyang ang sinasabi ng local government ng Cagayan de Oro na handa na sila kay bagyong Pablo at hindi na sila maghihintay na magkaroon pa ng isang ‘Sendong’ at handa na ang mga disaster and risk (reduction) management infrastructure nila.

Nauna nang sinabi ni Gen. Benito Ramos ng NDRRMC malakas ang bagyong Pablo kung saan kasinglakas ng bagyong ‘Sendong’ na tumama sa Cagayan de Oro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply