M’cañang pumalag sa paratang ng anti-RH group

sonny-coloma

PINABULAANAN ni Secretary Sonny Coloma na inipit ni Pangulong Noynoy Aquino ang pork barrel ng mga mambabatas bilang pambabraso kapalit ng kanilang “boto” sa RH Bill.

Sinabi ni Coloma na walang batayan ang akusasyong ito sa pangulo para ipagpilitan na ‘pork barrel’ ang pangunahing dahilan para maisulong ang RH Bill.

Ayon pa kay Coloma,  bagamat pabor si PNoy sa RH Bill, hindi siya nakialam  sa nangyaring “botohan” kahapon na hindi naman pinaniniwalaan ng anti-RH bill.

Sa katunayan aniya ay abala ang Pangulo sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo at wala na itong panahon para manghimasok sa trabaho ng Kamara at Senado.

Inamin namin ni Coloma na nagpatawag nga ng pulong si PNoy sa “Liberal Party”  ilang araw bago ang “botohan” sa RH Bill, pero ito ay walang kinalaman sa kanilang paninindigan sa naturang panukala.

Wala namang nakikitang masama si Coloma sa pagtungo sa plenaryo ng ilang cabinet secretaries.

Aniya ito ay karapatan ng kahit na sinuman mamamayan upang magmasid sa ginagawang batas sa Kongreso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply