Malakanyang umaasang igagalang ng simbahan ang mga pumabor sa RH bill

abigail-valte

UMAASA ang Malakanyang na igagalang ng mga obispo ng Simbahang Katolika ang posisyon ng mga mambabatas na bumoto pabor sa kontrobersyal na Reproductive Health (RH bill).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, karapatan ng bawat sektor na magpahayag ng kanilang saloobin at kuru-kuro sa bawat isyung bumabalot sa bayan.

Sinabi ni Valte, na iginagalang naman ng pamahalaan ang pagtutol ng simbahan ngunit hindi dapat lumagpas sa limitasyon ang alinmang pagpapahayag ng saloobin na makasisira sa pagkakasundo ng dalawang panig.

Nauna rito, nanawagan si Cardinal Luis Antonio Tagle na magkaisa para labanan ang pagsasabatas ng RH bill kasabay ng panawagan nito sa mga mambabatas kahapon na huwag ibenta ang kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng pagboto sa kontrobersyal na panukala.

Bukod dito, nangako ang simbahan na patuloy na magbabantay at sisikaping mahadlangan ang pagsasabatas ng RH bill hanggang sa huling pagkakataon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply