Malamig na simoy ng hangin umpisa na

MAKARARANAS na ng malamig na simoy ng hangin ang buong bansa bunsod ng paglakas ng Amihan o Northeast monsoon.

Mararamdaman ang malamig ng simoy ng hangin particular sa madaling araw at gabi lalo na sa mga araw na papalapit ang Pasko.

Kaugnay nito, naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City kahapon (Disyembre 13) na 12.5 degree Celsius (°C).

Kinumpirma rin ng PAGASA na walang nakikitang anumang sama ng panahon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ngunit umiiral pa rin ang tail-end of cold front na nagbibigay ng mga pag-ulan sa Kabikulan at bahagi ng Samar.

Maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply