Malaysian JI suicide bomber, todas sa PNP sniper

bangkay

SABOG ang bayag at dibdib ng isang Malaysian suicide bomber bago pa niya mapasabog ang hawak na improvise explosive device sa isang hotel sa lungsod ng Davao, kamakalawa ng gabi ng banatan ito ng PNP Special Weapon and Advance, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa ulat na natanggap ni outgoing PNP Chief Director General Nicanor Bartolome, bandang alas 10:00 ng gabi naganap ang mala action movies situation sa bisinidad ng Apo View Hotel sa lungsod ng Cotabato City.

Ito ay ng magpasaya ang mga awtoridad na barilin na ng Davao City SWAT Team ang sinasabing Malaysian suicide bomber na si Mud Nur Fikri Bin Abd Kajar, na hinihinalang kasapi ng Jemaah Islamiya.

Habang buhay namang nadakip at sinisiyasat na ngayon ang asawa ng international terrorist na kinilalang si Annabelle Nieva Lee, isang Bicolana at miyembro ng ekstremistang Balik Islam.

Una rito, ayon kay P/SrSupt Ronald dela Rosa, hepe ng Davao City Police Office, nakatangap sila ng A-1 information tungkol sa isang banyangang suicide bomber na naka-check-in sa Room 204 na nasa ikalawang palapag ng Sampaguita Inn sa daang Mayon-Camus ng nabangit na siyudad.

Bunsod nito, isang critical police operation ang ikinasa kasama ang mga operatiba ng SWAT bago mag-alas-10:00 ng gabi ay inabisuhan ng mga pulis ang management na paalisin ng hotel mag-asawa.

Paglabas ng mag asawa ay hawak ni Mud Nur Fikri Bin Abd Kajar ang isang cellphone na nagsisilbing remote control sa bomba na nasa backpack naman at bitbit ng kanyang asawa.

Nang nasa lobby na ng hotel ang dalawa ay nagpasya ang mga awtoridad na dambahin ang dalawa subalit naka-alpas ang lalaking suicide bomber at itinaas ang cellphone at nagbantang papasabugin ang bomba kung sila’y gagalawin.

Nagkaroon ng stalemate at pansamantalang hinayaang makalabas ang dalawa na pumunta naman sa People’s Park upang magkubli sa makapal na tao ng namamasyal.

Subalit dahil planado ay agad na naalarmahan ang mga guardya at agad nai-padlock ang gate ng parke kung saan ay hawak na ng Malaysian ang backpack na may bomba at cellphone na remote control nito.

Nang makitang sarado ang kanilang escape route ay pumasok ang dalawa sa Toriano’s nasa bisinidad ng Apo View Hotel kaya nakaramdam ng panganib ang mga pulis na makokompormiso na naman ang buhay ng maraming tao kaya nagpasya ang kanilang team leader na pabanatan na ito sa sniper ng SWAT.

Patay ang lalaki bunsod ng tinamong tama ng bala sa sentro ng dibdib, sa bahagi ng tagiliran, ibabaw ng kanyang sex organ at kanang kamay, habang buhay namang nadakip ang asawa nito.

Sa isinagawang imbestigasyon napag-alaman na bala ng 60mm mortar ang ginawa nilang improvised bomb at nakatakda na nila itong itanim sa kanilang target area sa Davao kaya naroon sila sa lungsod.

Sinasabing kayang pabagsakin ng nasabing bomba ang una hanggang ikatlong palapag ng inn kung sakaling i-detonate ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply