Malaysian national na hinihinalang Jemaah Islamiya bomber, tepok sa Davao

NAPATAY ng mga awtoridad ang isang Malaysian national na miyembro ng Jemaah Islamiya -suicide bomber matapos manalaban kasama ang kanyang asawang Pilipina na hinihinalang isa ring suicide bomber, kagabi, December 13, sa Davao city.

Ayon sa pahayag ni Davao city police office director Supt. Ronald dela
Rosa, bandang alas 10:00 kagabi, nasukol ang mag-asawang sila
Mohammad Noor Fikrie Bin Abud Kahar isang Malaysian national at ang
kanyang asawa si Annabel Nieva Lee, isang balik-Islam at residente ng
Sorsogon, sa isang hotel sa lungsod ng Davao.

Lalabas na sana ang dalawang suspect nang biglang dumating ang
kapulisan at inaresto ang mag-asawa pero nanlaban ang mga ito at
tumakbo papuntang People’s park – ang lugar na pinagdarausan ng
midnight sale ngayong panahon ng kapaskuhan.

Nagbanta pa si Kahar sa mga tao at sinabing pasasabugin ang lugar sa
pamamagitan ng dala-dala nitong cellphone na isang triggering device
sa bomba.

Pero sa koordinasyong ginawa ng kapulisan, nakorner si Kahar sa harap
ng Toryano’s restaurant at napatay ng mga tauhan ng DCPO.

Naresto ang asawang si Lee na nakunan pa ng mga exploitable materials
na sinasabing gagamitin sana sa terrorist attack.

Nabatid na matagal ng minaman-manan ng mga awtoridad sina Kahar at Lee
dahil ayon sa intelligence report ang dalawa ay parehong myembro ng
teroristang grupo na Jemaah Islamiah.

Gayunpaman, may panawagan din si DCPO director dela Rosa sa lahat ng mga taga-Davao na sa kabila ng nangyari, manatiling kalmado at huwag matakot sapagkat ginagawa naman ng kapulisan ang lahat ng kanilang makakaya para panatilihin ang mahigpit na seguridad dito sa Davao city.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply