Mall hours extension inaalam na ng MMDA

MMDA-logo

INAALAM na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga mall operator ang kanilang mall schedules tulad ng midnight sale o mall hours extension.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, dagsa ang mga tao sa pamimili ngayong holiday rush na nagpapasikip sa daloy ng trapiko lalo na sa Edsa at maging sa ibang lugar.

sinabi ni Tolentino, na kailangang ipinapaalam sa MMDA ang mall schedule upang maipakalat ang impormasyon at makapaghanda ang mga traffic enforcer lalo’t “skeletal force” o konti na lang ang naka-duty na traffic enforcers kapag gabi.

Inoobliga na rin ngayon ang mga mall guard na isailalim sa traffic training.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply