Malungkot daw ang Pasko ng mga pulis

lily's-files-lily-reyes

DOBLE lungkot at sama ng loob ang  nararamdaman ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) dahil bukod sa wala pa ring kasiguruhan kung matatanggap pa nila  ang inaasahang pera ay ipinagbawal pa sa kanila ang magdaos ng  Christmas Party.

Noong panahon ni dating Pangulong GMA ay nakatatanggap ang  ating mga pulis ng tig-P10,000 bilang pamasko ng Pangulo sa kanila at noong nakaraang taon ang  tinanggap  ng mga pulis ay  tig  P7,000 gayung   nauna ng nailathala sa mga pahayagan na P10,000 ang kanilang makukuha.

Napag-alaman ng Lily’s Files na hanggang sa kasalukuyan ay wala  pa rin daw malinaw na direktiba kung magkano ang  matatanggap at kung kailan mapasasakamay  ng  humigit kumulang sa 180, 000  na mga pulis  ang  nasabing  halaga.

Ayon sa ating mga nakausap na pulis , hindi  pa raw nila  alam kung magkano ang kanilang matatanggap, may balitang  posibleng  magbigay  muli si  Pangulong PNoy ng tig-P7,000 o kaya ay P5,000 . Hindi rin masabi ng ating kapulisan kung  kailian nila ito makukuha  ngunit  may balita raw na bago mag-Pasko ay makukuha nila ang kanilang mga pamasko.

Domoble lalo ang lungkot at sama ng loob ng ating kapulisan nang makatanggap sila ng direktiba na ipinag babawal  sa lahat ng tanggapan ng PNP sa buong bansa ang pagkakaroon ng Christmas party dahil sa nangyaring trahedya sa Mindanao sanhi ng  bagyong “Pablo”. Sa tingin ko naman, naiintindihan nila  ang nangyari sa  Mindanao at ang tanging pakiusap  lang ng ating kapulisan ay ibigay lang sa kanila ang perang para sa kanila para kahit papaano  ‘yung perang ibibigay sa kanila  ay magamit sa  Pasko ng kanilang pamilya. At kung saka-sakaling  makikita natin ang ating mga kapulisan na rumaraket o nagsa-sideline  ay hindi natin sila masisisi, gusto lang nilang mapasaya ang kanilang pamilya.

Sinasabing pabor sila na bawasan ng P50 ang kanilang suweldo para sa mga biktima ni “Pablo”  sabay pakiusap na huwag naman sanang  gawing  isang araw nilang suweldo ang ikaltas.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply