Manggagawa sa VisMin pagkakalooban ng emergency employment

PAGKAKALOOBAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng emergency employment at livelihood program ang mga manggagawa sa Visayas at Mindanao na naapektuhan nang pananalasa ng bagyong Pablo.

Sa kanyang naging pakikipagpulong sa mga myembro ng 14 na unyon ng banana plantation mula sa Compostela Valley at Davao del Norte, personal na tiniyak ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa mga ito ang tuloy tuloy na tulong ng pamahalaan sa mga apektadong manggagawa.

Ayon sa kalihim, ito ay tatagal hanggang sa makumpleto na ang rehabilitasyon sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad at makabalik na sila sa normal na buhay.

Samantala, namahagi rin naman ang DOLE ng mga relief goods sa mga apektadong manggagawa.

Lumagda rin ito sa isang memorandum of agreement (MOA) at ang tatlong organisasyon ng mga manggagawa roon.

Nakasaad sa nasabing MOA ang pagpapalabas ng livelihood grant na nagkakahalaga ng tig-P250,000 sa bawat organisasyon.

Sa ilalim ng nilagdaang kasunduan, magbibigay naman ang unyon ng mga manggagawa ng 20 porsyento sa kakailanganing pondo ng negosyo na kanilang papasukin bilang bahagi ng livelihood program, habang ang DOLE naman ay magbibigay ng kaukulang technical assistance.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply