Manny Pacquiao, dumating na sa bansa

pacarrives

SA kabila ng pagkatalo kay Juan Manuel Marquez, mainit pa rin ang ginawang pagsalubong sa pagdating sa Pilipinas ni dating 8-division world champion Manny Pacquiao kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasama ang buong Team Pacquiao at asawang si Jinkee, sinalubong si
Pacquiao nina Vice President Jejomar Binay at ilang pang opisyal ng
pamahalaan.

SA muling pagharap sa kanyang kababayan, taos pusong nagpapasalamat si Pacman dahil sa patuloy na pagsuporta sa kaniya sa kabila ng hindi naging matagumpay ang laban kay Marquez.

Ayon kay Pacquiao, aminadong hindi na niya alam ang nangyari noong
bumagsak siya sa lona at nangakong babalik muli sa boxing ring at
babangon mula sa one-punch knockout.

Pagdating sa airport, tutuloy sa isang hotel sa Pasay si Pacman at ang
kanyang asawang si Jinkee para mag-almusal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply