Manufacturers, retailers ng paputok kakausapin ng DOH

DOH

KAKAUSAPIN ng Deaprtment of Health (DOH) ang mga manufacturer at maging ang mga retailer ng paputok para sa isusulong na firecracker ban.

Ang hakbang na ito ng DOH ay upang tuluyang makontrol ang pagbebenta at pagbili ng mga nakapamiminsalang paputok tuwing sasapit ang Kkapskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon.

Nauna nang isinulong ng DOH ang pagbabawal sa mga ordinaryong mamamayan na makabili ng paputok upang mailigtas sa posibleng masamang idulot nito.

Balak din ni Health Secretary Enrique Ona na magtalaga ang mga local government unit (LGU) ng firecracker zone kung saan ang mga awtorisadong grupo o organisasyon lamang ang papayagan na magpaputok at bumili sa mga manufacturer.

Batay sa huling tala ng DOH, may 108 na ang biktima ng paputok na mas mababa naman kumpara sa kaparehong panahon noong 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply