Mar tutulak pa-Mindanao para sa search and rescue operations

mar-roxas-2

PATUNGO si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa Mindanao ngayong araw para pangunahan ang search and rescue operations sa mga biktima ng bagyong Pablo.

Ang pagtungo ni Roxas sa Mindanao ay upang ipagpatuloy ang paghahanp sa mga nawawalang biktima ng bagyo kaagapay ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan

Kaugnay ng bagyo, nabatid na libo-libong residente ang nagsisiksikan ngayon sa mga evacuation center matapos gumuho ang kani-kanilang bahay sa pagtama ng bagyo sa kalupaan.

Hindi na rin madaanan ang mga pangunahing kalsada sa Compostela Valley dahil sa pagbagsak ng puno at kable ng kuryente.

Putol pa rin ang suplay ng kuryente at linya ng komunikasyon sa malaking bahagi ng Mindanao.

Nakaantabay pa rin ang awtoridad sa mga bayan ng Boston, Baganga at Cateel sa Davao Oriental dahil sa matinding pagbaha doon.

Umaapela sa gobyerno ang mga inilikas na mamamamayan para mapadalhan sila ng pagkain at inuming tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply