Maraming kinabog si Noel Cabangon!

DUMATING kaya ang panahon na makapag-solo concert si Noel Cabangon sa Smart Araneta Coliseum?

Well, that will be the day na masasabi nating sikat na sikat na sikat na siya at inabot na n’ya ang narating ni Freddie Aguilar, na di inabot ni Joey Ayala– maski na deserved na deserved rin naman ni Joey ang narating ni Freddie!

Walang dudang sikat na ngayon ang folk singer na si Noel. Nitong Nobyembre 27 lang ay nagwagi ang album n’yang Panaginip na Album of the Year sa 25th Awit Awards na idinaos sa Activity Center ng Glorietta 1 sa Makati . Nagwagi ring Best Christmas Recording ang kanta n’yang Pasko ng Pagbibigayan.

“Panaginip” is the follow-up to Noel’s “Byahe,” his first under Universal Records which stayed as the no. 1 one album in major record stores for 17 weeks. “Panaginip” mostly features revivals, consisting of 4 covers and a showcase of 11 original compositions of Noel.

Actually, ang album n’yang Biyahe ay naka-Double Platinum Award buhat sa Universal Records. Nagawagi rin ito noon sa 2010 Awit Awards. Ang latest album n’yang Tuloy ang Biyahe ay pinarangalan ng Gold Record Award dala- wang buwan pagka-release nito ng Universal Records.

Nung Setyembre 28, nagkaroon siya ng sold-out na solo concert sa Music Museum. Hindi lang napuno ang concert venue, kundi nanguna sa panonood nu’n sina President Noynoy Aquino, DILG Secretary Mar Roxas ng Department of Interior and Local Government, Senator Kiko Pangilinan, at Pop Diva Kuh Ledesma. (Remember, kumanta siya sa inauguration noon ni P-Noy.)

At sa Disyembre 13-14 sa PETA Theater Center sa New Manila, Quezon City, muling itatanghal ang concert na yon na ang titulo na ay Tuloy Ang Biyahe (The Repeat) Ngayong Pasko.

Pero bakit sa PETA Theater Center siya magtatanghal? Naging PETA actor ba siya? Galing ba siya sa PETA?

Ang sagot po ay oo, galing siya sa PETA. Naging actor siya ru’n pero mas naging malaking pangalan siya ru’n dahil sa mga kantang nilikha n’ya para sa mga pagtatanghal doon. In fact, may dula ang PETA na siya ang may likha ng lahat ng kanta, ang pambatang Lola Basyang. At ayon sa publicist ng PETA na si Ms. Leloi Arcete, ang Lola Basyang pala ang itinuturing na longest-running play ng nasabing theater company.

Magwawalong taon na pala itong iniikot sa mga paaralan sa buong bansa.

Akala namin ay ang gay play na Hanggang Dito Na Lamang at Maraming Salamat ang longest-running play nila. Hindi pala. Ang nasabing gay play na nagtampok noon kina Lino Brocka (ang yumaong dakilang director) at Bembol Roco (ang premyadong actor na ama ng mga batang kambal na actor na sina Felix at Dominic) ay longest-running nung ang PETA ay sa Raha Soliman Theater pa sa Fort Santiago nagtatanghal. At hindi yata naiikot (tour) sa labas ng Raha Soliman Theater mismo ang nasabing dula—bagama’t napakaraming ulit itong itinanghal du’n.

Sina Ogie Alcasid, Ely Buendia, Gloc 9, Aiza Segeurra, Jim Paredes, at Boboy Garovillo ang mga guest performers sa concert ni Noel.

Actually, hindi sabay-sabay na magi-guest yung anim, kundi tatlu-tatlo lang yata pero ayaw pang ipabatid kung anong araw ang kung sinu-sino.

Alas otso ng gabi ang pagtatanghal.

Para sa presyo ng mga tiket, tumawag sa Ticket World (891-9999) o sa PETA (725-6244, 0917-576-5400. Kung hindi n’yo alam pumunta sa PETA Theater Center, ru’n n’yo na rin itanong. Actually, nasa 5 Eymard St. ito at ang Ey- mard ay kumakanto sa E. Rodriguez Ave., QC. Kung galing kayo sa Mabuhay Rotonda (ang dating Welcome), ang Ey- mard ay yung kanto pagkalagpas na pagkalagpas ng Quezon City Sports Center.

Napag-alaman namin nung press conference noon para sa repeat concert na Ilocano pala si Noel. Tubong La Union siya at du’n pa lang ay kumakanta-kanta na siya at naggigita-gitara. At bagama’t mukha siyang pari, o mukha siyang matandang binata, may asawa’t mga anak po siya.

Hindi po siya bading. Ang misis n’ya ay si Beng Santos na executive director ng PETA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply