Marquez binati ni Speaker Belmonte

BINATI ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. ang bagong WBO World Welterweight Champion na si Juan Manuel Marquez.

Ito ay matapos niyang pabagsakin si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na ayon kay Belmonte ay nananatiling “pride” ng Kongreso dahil sa tinamo nito bilang “eight division world boxing champion.”

Giit ni Belmonte na kahanga-hanga ang maganda at malinis na laban na ipinakita ni Pacquiao.

“Being a great champion also means having the grace to accept defeat with utmost humility as Manny has shown. He is still the people’s champ and just as he has always been the symbol of Filipino resiliency, I am certain he can rise above this setback and still inspire our own people, especially those in the south who are slowly picking themselves up after the very recent devastation brought on by typhoon Pablo.”

Sinabi pa ni Belmonte na “mabuhay ka Manny at mabuhay ang ating bansang binigyan mo ng sunod-sunod na karangalan sa loob ng maraming taon.”

Naniniwala naman si Albay Rep. Edcel Lagman na “lucky punch” lamang ni Marquez ang nagpabagsak kay Pacman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply