Mas magaling umarte at matalinong kausap!

vin-abrenica

TODO deny si Matteo Guidicelli na nagkabalikan na sila ni Maja Salvador at nakitang magkayakap sa isang event.

“Hindi! lumabas nga sa TV Patrol, nagulat nga rin ako, e! Kasi ‘yung title nagkabalikan na sila ni Matteo.

It’s not true. Nagkabalikan na ‘yung friendship namin. For a while, hindi kami nag-uusap pero at least now, talking again. We both decided na friends muna kami,” paglilinaw niya nang makatsikahan namin siya sa Mesa Resto, Tomas, Morato.

Hindi raw totoo na siya ang nakipag-break kay Maja. Sadyang marami raw bagay na hindi nila mapagkasunduan kaya pareho sila nag-decide na magkanya-kanya muna. Magkaiba raw kasi ang priorioties nila sa buhay. Wala naman raw third party involved. Hindi naman raw nagselos si Maja sa triathlon kundi sa oras niya. Mas gusto ni Maja na magkaroon siya ng more time sa kanya pero nauubos ang oras ni Matteo sa sports.

Aminado rin siyang medyo nalungkot nu’ng after break-up dahil hindi na sila nag-uusap. Ayaw rin naman niyang tuluyang burahin ang taong naging parte ng buhay niya. Mananatili raw ‘yung magagandang memorya sa kanila ni Maja pero ngayon ay nagmo-move-on na raw siya at nagko-concentrate sa seryeng “PHR presents Paraiso” at sa sports niyang triathlon. May official entries rin siya sa MMFF para sa New Wave Section entitled Paglaya sa Ta -nikala (Freedom From Chains). Gagawin rin niya next year sa Cebuano Productions ang pelikula ni Pedro Calung- sod.

Ano ang mas masakit ‘yung naghiwalay sila ni Maja o ‘yung sakit sa katawan dahil sa triathlon?

“Ay, ‘yung nag-break kami. Nasa loob ‘yung sakit,” tumatawang sagot ni Matteo.

Paano kung makita niyang may ibang ka-date na si Maja?

“Basta, as long as she’s happy, as long as na mabait ‘yung lalaki na ‘yan. It’s her choice, ‘di ba?,” reaksyon niya.

May nagtanong kung susundan ba niya si Derek Ramsay sa TV5 dahil iisa ang manager nila.

Buong ningning niyang sinabi na co-manager ni Jojie Dingcong ang Star Magic kaya mananatili raw siya sa ABS-CBN 2.

-0o0-

DAHIL sa friendship kaya pumayag si Cesar Montano na sumuporta kay Laguna Gov. ER Ejercito sa “El Prisidente” na official entries ng 2012 Metro Manila Film Festival.

Kasabayan nga raw niya ito sa showbiz at ganundin sina Sen. Bong Revilla, John Regala at Robin Padilla. Very thankful raw si Gov. ER na naging bahagi si Cesar ng kanyang pelikula.

Talbog!

-0o0-

MABIBINYAGAN na ang Best Actor ng Artista Academy na si Vin Abrenica para sa seryeng Never Say Goodbye.

Excited raw siya na makaeksena si Ate Guy.

“Mata pa lang niya ay nagsasalita na kaya para sa akin ay excited akong makaeksena siya. Top Pick po ako noon sa Artista Academy nang makaeksena ko siya,” kwento niya pero may pressure raw sa kanya dahil kailangang mapatunayan niyang maging Best Actor.

So far, may mga obserbasyon ngayon na mas magaling raw umarte si Vin at matalinong kausap kumpara sa kuya niyang si Aljur. Wala raw rivalry sa kanila at laging nakasuporta ito sa kanya.

“Maganda rin po na magkahiwalay kami ng network. Masaya po ako na may nagsasabi na ‘di ako mahihirapang makawala sa shadow niya. Gagawin ko ang best ko para magkaroon ako ng sariling identity,” deklara niya.

Anyway, magsasama sa isang show December 8 sina Aljur at Vin kasama ang kanilang ama na si Jojo. Ito’y pinamagatang Father & Sons sa Zirkoh Tomas Morato.

Mapapanood ngayon si Vin sa Game ‘N Go and Loko Moko U ng TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply