Mas priority ang box-office kaysa acting awards!

kris-and-vice

MABIBIGAT nga ang mga kalaban ng “Thy Womb” ni Nora Aunor at ni Direk Brillante Mendoza ngayong MMFF 2012 dahil ang pelikula nila ay isang indie lang kung ikukumpara sa ibang entries na puro mainstream o produced ng mga naglalakihang movie productions! Ang tanging laban lang nila ay ang pagkilala na ng Thy Womb sa international film festivals ng ibang bansa. Parehong binigyan ng award sina Ate Guy at Direk Mendoza sa kanilang galing sa pag-arte at direksyon ng mga banyagang hurado.

Ngayong Kapaskuhan ay mapanonood na rin ng mga Pinoy mismo ang ipinagmamalaki ng bansa. Simple lang ang kwento tungkol sa mag-asawang Badjao (Nora at Bembol Roco) na hindi magkaanak kaya handang magparaya si Ate Guy na makapag-asawa ulit si Bembol kay Lovi Poe para magkaroon ito ng anak. Pero may kondisyun si Lovi na dapat iwanan na ni Bembol si Guy kapag nakapanganak na ito.

Dito ipinakita ni Guy ang kanyang wagas na pagmamahal sa pagpayag niya sa kondisyun ni Lovi. Tulad ng dati, tanging mga mata lang niya ang nangusap tungkol sa nararamdaman niyang lungkot sa pagkawalay sa kanyang asawa at galak na natupad na ang pangarap nitong magkaanak!

Tunay ka, wala ngang sampalan at hubaran sa Thy Womb pero ang pagiging sincere at simplicity ng pelikula ang siyang magiging daan para magkamit ito ng awards!

***

SA PRESSCON ng Sisterakas, parehong nag-concede na ng defeat sina Ai-Ai delas Alas at Kris Aquino kay Nora Aunor sa Best Actress award. Mas concern sila na kumita nang malaki sa takilya ang pelikula nilang Sisterakas dahil kapwa sila co-producers ng movie. Fifty percent ng movie ay shouldered ng Star Cinema, 25% ang sa Viva at another 25% ay galing kina Ai-Ai, Kris at Vice Ganda.

Sa katunayan, wala raw katakut-takot si Vice na magiging No. 1 sa takilya ang pelikula nila dahil napanood na raw mismo ito ni Charo Santos at nagbigay ito ng thumbs up sa movie nila! Confident sila sa kanilang movie kahit pa isang higanteng trio rin ang babanggain nila sa MMFF 2012 na sina Vic Sotto, Bong Revilla at Judy Ann Santos!

Kapansin-pansin rin ang pagiging una sa billing ni Vice Ganda kay Kris sa lay-out ng poster ng Sisterakas. Nagparaya na raw si Kris kina Vice at Ai (na may “and” naman sa huli) sa billing kasi aminado naman siya na ang dalawa ay mga queen of comedy dahil sa box-office record ng mga pelikula ng dalawa. Isa pa, si Vice raw ang nangulit talaga sa kanya para bumalik sa movie at gawin ito.

Isang kakaibang Kris ang mapanonood sa movie, kontrabida na mala-Charlize Theron ang dating niya rito with matching long eyelashes at evil laugh! Nagbigay rin ng pabuenas ang tatlong leads ng pelikula sa press sa pamamagitan ng raffle (P200k mula kay Ai, another P200k mula kay Kris at P100k mula kay Vice at additional P50k mula kay Direk Wenn Deramas).

***

NATUTUWA kami at nagbabalik si Mayor Herbert Bautista sa paggawa ng pelikula via Shake Rattle & Roll 14 The Invasion sa episode na “Ang Pamana”. Matatandaang nakakuha ng best actor award noon sa Herbert sa SRR 1 sa episode na “Manananggal” kaya special ang pagbabalik niya sa SRR series ng Regal Films.

Bilang pampaswerte ay nagpa-X-mas party si Herbert sa press sa Wil’s Events Center kung saan nagpa-raffle siya ng cash at mga appliances sa press.

Bongga rin ang food at umapaw ang drinks. Masaya si Mayor Herbert kasi ngayon lang niya ulit nakasama sa isang pagtitipon ang movie press na matagal na niyang kakilala mula pa noong Bagets days pa niya.

Sa darating na eleksyon next year ay tatakbo na naman sa pagka-mayor ng Quezon City si Herbert at inaasahan na magiging landslide na naman ang kanyang pagkapanalo!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply