Mas urgent ang isyu ng korapsyon kaysa kalibugan

burdado-jun-briones2

SUPORTADO  natin ang RH bill, parekoy, dahil naniniwala tayo na ang pagpaplano para maging produktibo at responsable ang isang pamilya ay nakasalalay sa magulang.

Na kaya mahalagang maisabatas itong RH bill ay upang maibigay ng pamahalaan sa bawat magulang ang anomang family planning method na kanilang gusto.

Higit sa lahat doon sa mahihirap nating kababayan na gustong magkontrol ngunit walang perang panggastos.

Uulitin ko, parekoy, pabor akong maisabatas itong Reproductive Health bill.

Pero sa totoo lang, hindi ko inasahang sesertipikahan ni PNoy bilang “urgent.”

Sorry po, pero ang punto nitong RH bill ay tungkol sa sex o pakikipagtalik, na sa madaling salita ay kalibugan!

Kaya nga hindi ko talaga maunawaan na sesertipikahan ng Pangulo bilang “urgent” ang isang panukalang batas tungkol sa kalibugan.

Kung ikukumpara sa Freedom Of Information o FOI bill, kung saan maisusulong ang kanyang “matuwid na daan” kontra corruption . . .

Naniniwala tayo, parekoy na mas karapat-dapat sertipikahan bilang “urgent bill” ang FOI keysa RH bill!

‘Yan, parekoy, ay kung maniniwala ang Pangulo na mas

nararapat madaliin ang pagpasa ng batas na susugpo sa corruption keysa kalibugan.

Kung ihahambing, pareho ang mga panukalang RH at FOI na naghahabol ngayon ng oras para maisabatas dahil

nga patapos na ang sesyon ng Kongreso at karamihan sa senador at kongresista ay magiging abala na sa pangangampanya para sa darating na halalan sa 2013.

At kung tutuusin ay mas nararapat na sertipikahang “urgent” ni PNoy ang FOI bill dahil isa ito sa kanyang ipinangako noong kumakandidato pa lamang siyang Pangulo.

Pero wala na tayong magagawa, parekoy, dahil  naganap na nga! I mean, sertipikado na ni PNoy bilang urgent itong bill kaugnay sa kalibugan!

Ipagdasal na lamang natin na sa lalong madaling panahon, paghupa ng kalibugan ay maalaala naman ng Pangulo na minsan sa kanyang pangangampanya noon ay may ipinangako siya sa kanyang mga kababayang Filipino.

Na siya ay tutulong maisabatas ang FOI bill na matagal nilimliman sa Kongreso! Amen!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply