MASARAP NA KASALANAN (Ika-19 na labas)

MATAGAL at mabilis na nagbaba-taas si Mrs. Manyol sa naghuhumindig na pagkalalaki ni Matias na nananatiling matikas at magilas!

Kinabukasan, makailang ulit ng nag-doorbell si Aling Bening sa gate na bakal ng malaking bahay at malawak na bakuran ng pamilya Manyol, hindi pa rin nagbubukas ang munting pintuan sa malaking gate.

Ngunit hindi sya sumawa sa pagpindot ng door-bell dahil alam niyang dapat gising na ang hardinerong si Matias at nagsisimula ng magtrabaho sa malawak na bakuran bilang hardinero.

At makaraan pa ang ilang sandali, may narinig siyang ingay sa kabila ng gate na bakal na nagpapahayag na mayroong nagbubukas ng maliit na pintuan sa malaking gate.

Dahil pagod sa mahabang paglalakbay mula sa isang probinsya sa Bisaya, hindi napigilan ni Aling Bening na makadama ng pagkaasar at nakabuo ng planong pasasaringan ang hardinerong hindi kaagad nagbukas ng munting pinto.

Laking gulat nang may-edad na katulong ng sa pagbukas ng maliit na gate na nakalaang pasukan ng mga tao, si Mrs. Manyol ang makita.

“Kayo pala Aling Bening,” wika ni Mrs. Manyol na halatang bagong gising dahil hindi pa nakakapag-ayos ng katawan at buhok. “Sana nagteks kayo na darating ngayon para nasabihan ko si Matias!”

“Asan ho siya?” Tanong ni Aling Bening na nagpalinga-linga sa malawak na bakuran sa paghahanap sa hardinero na inaakala niyang ginagampanan na ang trabaho sa bahay at bakuran ng pamilya Manyol.

“Nasa servants quarter, natutulog pa yata!” wika ni Mrs. Manyol na tinulungan ang may-edad na katulong sa pagpapasok ng mga dala-dalahan sa loob ng bakuran.

“Nakakahiya ho sa inyo, naistorbo ang inyong tulog.” wika ni Aling Bening na hindi inaasahan ang among babae ang magbubukas ng maliit na pintuang pasukan ng mga tao sa malaking gate na bakal. “Akala ko si Matias ang magbubukas ng gate!” Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply