MASARAP NA KASALANAN (Ika-20 na labas)

“Okey lang, maaga talaga akong gigising ngayon!’ Sagot ni Mrs. Manyol na muling isinasara ang maliit na pintuan sa malaking gate. “Balak ko kasing mag-exercise para pagpawisan!”

“Bakit kaya napasarap ang tulog ni Matias?” Nagtatakang tanong ni Aling Bening na tinapunan ng tingin ang servants quarter na kinaroonan ng hardinerong inaasahan niyang sasalubong sa kaniya, mag-bubukas ng gate at tutulong sa pagpapasok niya ng mga dala-dalahan.

“Siguro natuloy ang sinat niya. Sabi niya masama daw ang kaniyang pakiramdam kahapon!” Paliwanag ni Mrs. Manyol na sinulyapan din ang servants quarter na kinaroonan ng karelasyong hardinero. “Nanibago yata sa trabaho niya!”

“Kung sa trabaho ho, hindi ho lalagnatin si Matias.” Sagot ni Aling Bening na damang-dama sa tinig ang katiyakan ng sinasabi. “Taga-probinsya rin ho ‘yon, kaya sanay na sanay sa mabibigat na gawain. Tiyak ho mas mabigat na trabaho pa kaysa sa pagiging hardinero ang trabaho niya roon!”

“Bakit kaya siya sininat?” Tanong pa ni Mrs. Manyol na nagkukunwaring inosente at walang nalalaman sa dahilan ng pagiging tulog ng karelasyong hardinero kahit sikat na sikat na ang araw.

“Tiyak ko ho hindi sa trabaho. Baka hindi sanay mainitan ng araw dito sa Metro Manila. Marumi na kasing masyado ang hangin dito!” Paliwanag naman ni Aling Bening, “Sige ho, mamaya ko na ipapasok ang iba kong dala-dalahan. Wala na hong problema, nakapasok na sa loob ng bakuran!”

“Tutulungan kita sa pagpasok sa loob ng bahay!” Sagot ni Mrs. Manyol na binitbit ang ilang dala-dalahan ng may-edad na katulong. “Konting ehersisyo lamang ito sa umaga!”

“Nakakahiya ho sa inyo ma’m. . .” Wika ni Aling Bening na pinipilit pigilin ang among babae sa pagbuhat sa ilan niyang dala-dalahan mula sa probinsya.

“Huwag mo na akong intindihin. . .” Sagot ni Mrs. Manyol na tuloy-tuloy naglalakad papunta sa malaking bahay. ITUTULOY

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply