Matapos barilin ang ka-live-in, sekyu nagpatiwakal

WINAKASAN ng isang security guard ang kanyang sariling buhay matapos barilin ang kanyang live-in partner gamit ang .9mm sa loob ng pier na kanya mismong pinagtatrabahuhan sa Brgy. Macabalan, Cagayan de Oro City kaninang tanghali.

Nabatid na naunang binaril ni Jason Riconse, 26, ng Sta. Fe Libona, Bukidnon ang kanyang ka-live-in na si Gerrylen Taal, 20, nagtamo ng tama ng bala sa tiyan, bago tinutok ang baril sa kanyang ulo at nagpatiwakal.

Isinugod pa sa Northern Mindanao Medical Center ang dalawang biktima ng mga kasamahang security guard sa Oroport ngunit hindi na umabot nang buhay.

Base sa pulisya, nag-aaway ang mag-asawa sa hindi malamang dahilan bago naganap ang pamamaril.

Tinitingnang anggulo ang selos na dahilan ng pag-aaway ng dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply