Matikas na Bucor chief nasa’n?

pakurot

MALAKAS ang bulung-bulungan na naghahanap si Justice Secretary Leila De Lima ng pamato para makausap ang mataas na opisyal ng isang kinikilalang sekta ng relihiyon sa bansa dahil sa umano’y atraso nito sa samahan.

May balitang lima hanggang anim na pangalan na ang nakasumite sa tanggapan ni De Lima upang pumalit sa nagbitiw na hepe ng Bureau of Corrections na si Ret. Gen. Gaudencio Pangilinan na naunang nag-file ng leave of absence dahil sa kaso nang pagdukot kay Rolito Go at pamangkin nito sa loob ng pambansang piitan.

Ang kaso, medyo mainit pa ang pangalan ni De Lima sa tainga ng mga miyembro at matataas na opisyal ng makapangyarihang sekta dahil sa ginawa umano nitong panlalaglag sa isang miyembro na totoong mahusay at maayos magtrabaho. Iyon nga lang meron silang hindi pinagkasunduan ng babaeng kalihim.

Unti-unting gumagawa ng paraan ang kampo ni De Lima upang suyuin ang puwede nilang gawing pamato subalit hindi pa sigurado kung tatanggapin nito ang iniaalok niyang pag-aayos.

Sana nga ay maayos na ang problema ni De Lima sa nasabing sekta. Subalit mas may paraan ang kalihim kung paano paaamuin ang mga nais niyang lapitan at ito ay sikretong malupit.

Maganda kung ang ilalagay niyang maging director ng Bureau of Corrections ay galing sa nasabing samahan dahil tiyak na magiging maayos ang relasyon nila bukod pa sa hindi mapapahiya si De Lima sakaling ang opisyal na ito ang kanyang irekomenda dahil kilala ng marami na maayos magtrabaho ito.

Lamang, ang taong qualified na humawak ng BuCor ay may prinsipyong tao at ayaw na lumapit sa kung sino-sino para lang makuha ang hinahangad na puwesto. Mas nais niyang kusang loob na maibigay sa kanya ang puwesto na sa panahon ngayon ay mahirap nang mangyari dahil ang kalakaran ay kanya-kanyang sipsip sa mga nakaupo sa Palasyo at Senado.

Kung matutumbok lang ng mga kinauukulan ang taong ito na dapat na mag-hepe ng pambansang piitan, tiyak na hindi na mamu-mrublema ang mga nasa Palasyo at Department of Justice sa paghawak sa mga sutil na preso at empleyado ng BuCor na pasaway.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply