Mayor Bernabe ‘di iboboto sa toknakan sa U2 club

burdado- jun briones

MARAMI sa mga suki nating taga-Parañaque ang nagpadala ng mensahe kaugnay sa usapin ng U2 club.

Halos iisa ang buod ng kanilang mga mensahe.

Sa darating na election ay ibabasura o hindi na iboboto ang kanilang alkalde na si Florencio Jun Bernabe.

Ayon sa ating mga suki, hindi lamang sa Remate nila nalaman ang tungkol sa mga kaganapan sa U2 club.

Matunog din umano sa kanilang lugar na kung may pera ka at gusto mong makatikim ng mga menor de edad ay pumunta ka lamang sa panulukan ng Macapagal Boulevard ay solved ka na!

Ang tinutukoy nila ay ang U2 health club  na  nasa eksaktong lugar na nabanggit.

Matatandaan, parekoy, na ilang beses na nating kinalampag ang pamunuan ng lokal na pamahalaan at maging ang DSWD upang mabusisi kung gaano katotoo ang mga sumbong sa Burdado na talamak ang human trafficking ng mga menor de edad na kababaihan sa U2.

Sa kabila nito ay tahimik ang DSWD at higit sa lahat ay walang anomang hakbang ang tanggapan ng alkalde.

Inilathala rin natin ang mensaheng ipinadala ng mga nagpakilalang pulis na sa tuwing pinaplano na nilang dambahin ang U2 club ay hindi pumapayag si Mayor Jun Bernabe.

Sa totoo lang hindi tayo naniniwalang patong si yorme o may tinatanggap mula sa mga putahan sa Parañaque.

Pero ang kawalang action ng kanyang tanggapan kontra sa mga ito ay isang indikasyon na kung hindi man siya direk-tang patong ay tiyak na inutil!

At dahil d’yan ay hindi na-tin masisisi ang kanyang mga kababayan kung hindi na siya iboboto sa darating na election.

Marahil ay nauumay na sila sa pagiging inutil ni Bernabe!

‘Yan na nga ba ang sinasa-bi ko sa iyo, Jun Bernabe, hindi mo pag-aaring minana ang pagiging mayor ng Parañaque.

‘Yan ay tungkulin o kapangyarihang ipinahiram lamang sa iyo ng taumbayan. Na kapag napuna nila na hindi mo na ginagampanan nang maayos ang iyong tungkulin ay nasa kanila ang lahat ng kapangyarihang bawiin ito sa iyo!

Sa mga taga-Parañaque, sana ay hindi lang ang isyu sa U2 club o alegasyon ng toknakan ang gawin ninyong basehan kay Jun Bernabe.

Isabay na rin ang kan-yang kapalpakan sa iligal na sugal at drogang naglipana sa inyo.

At saka na kayo sumigaw ng sabay-sabay ng . . . letse ka Bernabe . . . dapat sa iyo ay sa kangkungan pulutin!!!

Narinig n’yo na?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply