Mayor ng Pangasinan inatake sa puso, patay

NAMATAY habang nagbibigay ng Christmas message si Mangaldan, Pangasinan Mayor Herminio Romero, sa edad na 73, makaraan itong atakehin sa puso.

Ayon sa isa niyang kamag-anak, dumalo si Romero sa isang Christmas party sa bayan ng San Fabian na habang nagsasalita ito at nagpapaabot ng kanyang mesahe kagabi ay inatake ito sa puso at agad na isinugod sa Decena Ospital dito sa lungsod ng Dagupan pero binawian din ng buhay.

Sa ngayon nakalagak ang mga labi nito sa Funeraria Dizon sa bayan ng Mangaldan.

Hindi pa makapagbigay ng pahayag ang kanyang pamilya dahil shocked pa rin ang mga ito sa nangyari.

Nasa huling termino na ngayong taon ang alkalde at kakandidato sanang board member sa susunod na halalan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply