M’cañang walang bonggang X’mas party

edwin-lacierda

TINIYAK ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na ang pondo na gagamitin sana ng Office of the President (OP), Presidential Communications Operations Office (PCOO) (PCOO), Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) at Office of the Press Secretary ( OPS) ay pagsasama-samahin para i-donate sa mga nabiktima ng bagyong Pablo.

“Itatanong po natin kay Executive Secretary. I think meron silang plano—ang OP, PCOO, kami po—may plano po kaming mag-donate. So siguro magandang halimbawa rin po na <maipapakita> sa ating sambayanan ang ating pakikibahagi sa ating mga kababayan na nasawi or nasalanta,” ani Sec. Lacierda.

Bukod sa OP, PCOO, PCDSPO at OPS ay nagkansela na rin ng kanilang Christmas Party ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC).

Wala namang ideya si Sec. Lacierda kung may iba pang ahensiya ng pamahalaan na nagkansela na rin ng kanilang mga Christmas Party.

“I think what is important is that while this is a season <of >joy for all of us, we must remember that there are those among us who are not celebrating Christmas and so we share in that misfortune,” anito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply