Media coverage sa NPA attack; Church pasaway

burdado- jun briones

AYAW ng Katoliko na sila ay puntahan sa kanilang teri-toryo (simbahan) lalo na kung sila ay may gawain o misa.

Kapag ginawa mo ito, tiyak na ipaaaresto ka at ide-demanda gaya sa kanilang ginawa kay Carlos Celdran.

Dahil hindi mo raw nirerespeto ang simbahan at ang kanilang gawaing banal  gaya ng misa!

Pero ilang Pari at Obispo ang lumusob kahapon sa teritoryo ng mga mambabatas (Congress) habang sila ay may session.

Si Celdran ay mag-isang pumunta sa loob ng simba-han para ipahayag ang kanyang pagsuporta sa Reproductive Health bill.

Itong mga alagad ng simbahan ay “grupo” na pinangunahan ng kanilang mga alipores sa loob ng Kongreso para tutulan ang RH bill.

Si Celdran ay solo na nagpahayag ng saloobin pero kinaladkad palabas dahil istorbo raw sa gawain ng simbahan.

Itong grupo ng mga alagad ng simbahan at ang kanilang kawan ay in-accommodate ng maayos at kahit paulit-ulit na gumagawa ng ingay at maliwanag na istorbo sa gawain ng Kongreso ay pinaalalahanan lamang, hindi kinaladkad palabas, hindi ipinakulong at hindi kinasuhan!

Kung babasehan, parekoy, ang “separation of church and estate” sino ang arogante at sino ang pasaway? Amen!

-o0o-

TIYEMPONG nasa police station ng Roxas, Palawan ang cameraman ng ABS-CBN nang lumusob ang mga NPA kaya nakuhanan nila ang insidente na ikinamatay ng isang pulis at isa pang sugatan!

Tiyempong wala sila sa loob ng istasyon at tiyempong nasa maganda silang anggulo kaya maganda ang footages!

Tiyempo rin na sa kanilang pagsalakay ay may nakahanda nang “pahayag” ang NPA kaya ibinigay na nila ito kaagad dahil tiyempo nga na may media na naroroon sa crime-scene!

‘Yan ang sabi! ‘Yan din ang aking paniniwala, parekoy, na ang lahat ay nagkataon lang!

Sana nga nagkataon lang!

Tiyempo rin na habang pinanonood ko sa telebisyon ang kaganapang ito ay naalaala ko na sa history ng NPA attacks ay  sa bandang huli na sila nagbibigay ng pahayag sa media.

Gayunman, binabati natin ang ABS-CBN sa mga eksaktong pagkakataon na gaya nito!

Opps, tiyempo namang napatawa ako. Hak, hak, hak!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply