Mga astig, bawal uminom sa kalsada

AARESTUHIN ng mga pulis ang mga mag-iinuman sa kalsada upang siguruhin na magiging ligtas ang pagsalubong sa bagong taon.

Ito’y matapos ipag-utos ni National Capital Regional Police Office Director Chief Superintendent Leonardo Espina na sitahin at hulihin ang sinumang mag-iinuman sa kalsada maging ito man ay mga opisyal ng mga barangay, pamilya ng pulis o pulitiko, mga sundalo at mga tigasin sa mga looban ng mga bara-barangay sa Metro manila .

Ayon kay Espina, ang masama sa mga ganitong pangyayari ay nadadamay ang mga inosenteng mamamayan na siyang nasasaktan sa mga di inaasahang alitan na ang tanging layunin lamang ay ang pagdiriwang ng bagong taon.

Gagamiting basehan ng mga pulis sa panghuhuli ng mga inuman sa kalsada ay ang mga ordinansa sa mga lokal na pamahalaan na umiiral sa mga lungsod na sakop ng NCRPO.

Kalimitan pa sa mga napuputukan ng mga paputok ay yaong mga lasing na wala ng kontrol sa paghahagis ng mga paputok kayat madalas ay nadidisgrasya na sa kanilang mga kamay pa lamang ay pumuputok na ang kanilang mga ihahagis na firecracker.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply