Mga baril ng pulis seselyuhan sa Sabado

espina

BILANG paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon, seselyuhan na sa Sabado, Disyembre 29 ang mga baril ng mga pulis.

Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Supt. Leonardo Espina na maaaring maharap sa karampatang parusa ang mga pulis na mapatutunayang nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa 2013.

Binalaan din ni Espina ang mga sibilyan na maaari ring maharap ang mga ito sa karampatang kaso, kung magpapaputok ng baril sa New Year.

Ipinaliwanag naman ng opisyal na kahit na nilagyan na ng tape ang mga service firearm ng kanyang mga miyembro ay hindi ibig sabihin na hindi na nila magagamit ang kanilang mga armas sa panahon ng pangangailangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply