Mga baril ng pulis Maynila nabusalan na

baril-sinelyuhan-na

NABUSALAN na rin kaninang umaga ang mga baril ng lahat ng pulis-Maynila dalawang araw bago sumapit ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay MPD Director Chief Superintendent Alejandro Gutierrez, dapat maging halimbawa at ehemplo ng disiplina ang mga unipormadong pulis sa publiko.

Ang hakbang ng Philippine National Police (PNP) sa pagseselyo ng mga baril ay upang makaiwas na magkaroon ng indescrimante firing  sa pagsalubong ng Bagong Taon kung saan may nabibiktima ng ligaw na bala.

Sinabi ni Gutierrez, na sinuman aniya ang mahuhuling pulis na iligal na magpaputok ng baril ay mahaharap sa kasong administratibo at kriminal.

Samantala, tiniyak rin ni Gutierrez na plansado na ang aktibidad na isasagawa sa Rizal Day. Inaasahang dadagsain ng maraming tao lalo na ang Rizal Park sa Maynila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply