Mga barko pwede na maglayag – PCG

TULUYAN nang inalis ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagbabawal sa paglalayag  ng mga barko sa alin mang panig ng bansa.

Ayon kay Lt. Cmdr. Armand Balilo, ang tagapagsalita ng PCG, bagama’t pinapayagan na nilang maglayag ang anumang uri ng sasakyang pandagat ay patuloy pa rin ang kanilang paalala hinggil sa umiiral na babala sa malalaking alon sa karagatan lalo na sa bahagi ng Hilagang Luzon at Hilagang Kanluran ng bansa.

Kaugnay nito, patuloy pa rin nilang imomonitor ang biyahe ng mga barko na ilang araw ding nabalam ang paglalayag dahil sa pananalasa ng Bagyong Pablo.

Samantala, sinabi pa ng opisyal na nanatiling nakaalerto ang buong pwersa ng Philippine Coast Guard matapos alisin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) ang anumang babala ng bagyo sa ating bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply