Mga biktima ni Pablo ang regaluhan para ‘di isauli

burdado- jun briones

NAGANAP na!

Sa boto na 133 yes at 79 no ay inaprubahan ng Kamara sa 3rd and final reading ang RH bill.

Samantalang sa Senado ay pinal na naipasa na rin ito sa boto na 13 yes at 8 no.

Sa madaling salita, “ire-reconcile” na lamang ng “bicameral committee” ang bersyon ng dalawang kapulungan at maari na itong lagdaan ni PNoy para ganap nang maging batas.

‘Yan, parekoy, ay sa kabila ng maraming bangayan at alingasngas na idinulot ng RH bill, hindi lamang sa mga ordinaryong mamamayan kundi maging sa onorabol nating mga mambabatas!

Gaya na lamang ng iringan sa pagitan nina Sens. Johny Enrile at Miriam Santiago.

Nagsolian ng ‘kandila” ang mag-ninong dahil lamang sa ma-salimuot na RH bill!

Nagsimula ang lahat, parekoy, nang ipinasauli umano ni ninong ang ipinadalang regalo
sa kanya ni inaanak.

Siyempre umangal ang mahaderang inaanak, kaya isinumbong sa media si ninong!

Depensa naman ni ninong eh, bakit niya tatanggapin gayong na-laman na niya na galit sa kanya si Senadora Miriam!

Heto pa, parekoy, nagpahayag muli sa media si Inday Miriam na sa kabila ng pangyayari ay nakahanda siyang makipag beso-beso kay Sen. Johnny Enrile.

Sagot naman ni Lolo Johnny, “Bakit pa? Bakit ko gagawin ‘yon eh, hindi naman ako ipokrito?”

Ang tanong, parekoy, bakit ko pinagkaabalahang isulat ang tungkol sa nasabing solian nila ng kandila?

Gusto ko lamang ipakita sa mga ordinaryong mamamayan kung anong klaseng mga onorabol mayroon tayo!

Parang mga isip-bata!

Hak, hak, hak!

Ang “matured” na mambabatas ay tinatapos ang debate sa plenaryo at hindi sa media!

At kung ang pinag-aawayan naman ninyo ay tungkol lamang sa isinauling regalo, dapat ay maging aral na ito.

Na kung masama rin lang ang loob ay ‘wag na lang mag-bigay ng regalo sa isang tao.

Bakit hindi na lamang ninyo dagdagan ‘yang mga regalo na ‘yan at doon ninyo ipamigay sa mga biktima ni Pablo?

Titiyakin ko, Madam Miriam, na walang tatanggi sa kanila riyan sa mga regalong ‘yan!

Dahil matagal na nilang hinihintay ang tulong ninyo!

S’yanga pala madam, may naibigay na rin ba kayong tulong sa kanila kahit papaano?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply