Mga ‘boneless’ sa Congress hindi na dapat kumandidato

burdado-jun-briones

HANGOVER sa naganap na botohan sa RH bill noong nakaraang linggo sa Kongreso.

Sa 2nd reading, parekoy, ay 103 ang mga mambabatas na kumontra sa RH, pero sa 3rd and final reading ay naging 78 na lang!

Namputsa, parekoy, umiral na naman ang mga Korean sa ating Kongreso!

‘Yun bang . . . magkano “ko riyan”! Pwe!

Ang medyo makapal ang mukha sa kanila ay garapalang bumaligtad at ang dating No ay ginawang Yes!

Ang iba naman ay basta na lamang hindi sumipot sa araw ng botohan!

At ang susi, parekoy, ng nasabing 69 o balikgtaran sa Kongreso ay ang presensya ni Budget Sec. Florencio Abad!

At sino nga namang gago ang magpapaka “die-hard” sa RH gayong abot-kamay lang naman ang “budget” para sa darating na election! Ang gugulang talaga! Hak, hak, hak!

Sa totoo lang, parekoy, unawa ko ang mga hinayupak na ito, election nga naman next year kaya naging praktikal sila!

Saludo rin tayo sa hardliners na No dahil ‘yun ang ipinaglalaban nilang prinsipyo.

Sa kabilang banda, palakpak tayo sa mga lantarang Yes dahil nakasipsip na kay PNoy, nabigyan pa nila ng kalayaan ang kababaihan na magpasya ukol sa kanilang pagpapamilya!

Pero ang hindi ko talaga ka-yang unawain ay ang ilan nating mambabatas na nag-”abstain” sa isyu ng RH bill.

Tangna, parekoy, mga walang buto, walang dignidad at walang balum-balunan! Ehek!

Ang ibig kong sabihin, itong Reproductive Health bill ay napakalaking isyu o usapin sa kasaysayan ng ating bansa.

Na ‘ika nga ay isang ginintuang pagkakataon sana sa sinomang mambabatas na maging bahagi ng Kongreso na nag-apruba o nagbasura dito.

Darating, parekoy ang panahon, ang bawat panig, pabor man o kontra, ay may maibibida sa kanyang mga apo.

O kaya ay pag-uusapan maging sa mga paaralan.

Kung buhay pa sa mga panahong ‘yan itong mga hinayupak na mambabatas na nag-abstain o hindi nakialam, ano naman ang kanilang ililitanya o ipagyayabang?

Na once upon a time, sa kanilang political career ay nabisto ang kanilang kagaguhan!

Dahil kung sa napakalaking isyu sa bansa ay ayaw nilang makialam, bakit pa nagpahalal?

Usaping pera-pera lang ba talaga ang gusto nilang salihan? Tan_na nilang lahat!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply