Mga deboto ng Itim na Nazareno sasali sa rally vs RH bill

quiapo-church

MAKIKIISA rin ang mga deboto ng Itim na Nazareno sa Quiapo sa isasagawang prayer rally ng Simbahang Kataliko laban sa pagsasabatas sa Reproductive Health bill.

Ayon kay Monsignor Clemente Ignacio, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, may 20 bus mula sa parokya ang makikiisa ngayong araw sa pro-life rally sa St. Peter Church sa Commonwealth Avenue patungo sa Batasan Pambansa.

Bukod sa 20 bus, sinabi ni Ignacio na may mga deboto at kontra sa RH bill pa na maglalakad lamang patungong simbahan hanggang sa Kongreso.

Mahalaga aniya ang pakiisa ng mga deboto upang labanan ang mga pro-RH bill congressmen.

Nananawagan din ang Monsignor sa mga anti-RH bill congressmen na makiisa at magtungo sa Kongreso para manindigan na pigilan ang pagpasa sa naturang batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply