Mga iinom ng alak sa kalsada, aarestuhin

espina

BILANG parte ng kanilang paghahanda para maging ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon, huhulihin ng Metro Manila Police ang mga mag-iinom ng alak o mga lasinggero sa lansangan.

Lumabas sa talaan ng Metro Manila police na nag-uumpisa ang kaguluhan sanhi pagiinuman ng alak sa kalye na kapag nakakarami na ng paginom ay away na ang hanap.

Dahil dito, inatasan na ni Metro Manila police director Chief Superintendent Leonardo Espina ang kanyang mga tauhan na dakpin ang mga mag-iinom ng alak sa kalsada.

Ang mas malala pa aniya sa kaguluhan o bakbakan sa kalsada na nagmula sa paginom ay nadadamay o madlas na nasasaktan ay ang mga inosenteng sibilyan.

Ang basehan din ng pulisya kaya ipinahihinto ang mga inuman sa kalsada ay dahil ipinagbabawal din ito sa local ordinances.

May mga hakbangin na ang Philippine National Police para matiyak na ang New Year revelry ay magiging mapayapa.

Sa parte naman ng Department of Health (DoH) nagkasa na ito ng agresibong kampanya para i-discourage ang mga Pinoy sa paggamit ng mga paputok para salubungin ang Bagong Taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply