Mga inutil na barangay official at tanod sibakin

_lily reyes

MARAMING inutil at duwag na barangay tanod at barangay official at isa na rito ay ang Barangay East Kamias sa Lunsod-Quezon kung saan  ay bagyo raw ang dating  kay Mayor Bistek ng Punong Barangay na si Brgy. Chairman Arnold Gaddi.

Ay kaya naman pala ganun kawalang kuwenta ng mga  mga barangay tanod dito dahil malakas sila sa Mayor kaya kahit anong  gawin  nila ay okey lang.

Noong nakalipas na Disyembre 24, ilang minuto na lang bago mag-alas-12:00 ng hating  gabi ay may binugbog  na isang lalaki  ilang hakbang lang ang layo mula sa Barangay Hall ng East Kamias.

Tanaw na tanaw ng mga barangay tanod  na  nag-iinuman ang pangyayari ngunit  ni isa sa mga tanod dito ay may tumayo at tumulong man lang  sa ginugulping lalaki.

Kitang kita rin ng mga tanod at mga pulis na naka-assign sa nasabing barangay ang pag palo ng bote sa ulo ng lalaki ngunit  pinanonood lang ito ng mga  gagong  pulis at barangay  tanod.

Basag ang ulo at mukha ng lalaki ngunit pinilit pa rin nitong sumakay sa kotse para makauwi  at makapag-report sa himpilan ng Anonas Police Station 9 ng Quezon City Police District (QCPD).

Ilang minuto ang nakaraan ay dumating ang  mga nag-respondeng pulis galing ng Presinto 9, kahit na  nagkaroon ng kunting komosyon dahil  lumalaban ang mga akusado ay hindi pa rin natinag sa kanilang pag-iinuman ang mga barangay tanod at opisyal ng Brgy. East Kamias.

DILG Secretary Mar Roxas, ganito ba ang tuwid na daan? Ilang  barangay pa sa  buong bansa ang may mga inutil at tamad na barangay tanod na katulad ng mga nasa Brgy. East Kamias?

Hindi po ba dapat bago maging barangay tanod  ay mag- training  muna sila, dahil bukod sa pulis ang barangay tanod ang unang-unang nag reres-ponde?

Kung ganito nang ganito naman ang mga barangay tanod, eh, mas mabuti pa sigurong I-abolish na lang ang  mga barangay.

Anong masasabi n’yo rito, DILG Sec. Mar Roxas?

Sayang ang pera ng bayan na ipinansusuweldo sa mga barangay tanod na ito,  wala naman palang kuwenta, mga inutil, nakahihiya kayo…

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa  09155683000  at  09087230-036  o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012@yahoo.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply